Pat Velasquez-Gaspar Proudly Shares Kids Academic Milestone

Proud na ibinahagi ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang recent academic milestone nina Isla at Ulap.

Bukod sa kanilang academic milestone, tunghayan din ang ultimate farm bonding experience ng kanilang mag-anak.

Isla and Ulap x Kids Learning Ville

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Mommy Pat ang mga tagpo sa nagdaang moving up ceremony ng Kids Learning Ville kung saan nagkamit ng parangal ang kanyang mga anak na sina Isla at Ulap.

“Proud ako sa inyo mga bata!” pagbati ni Mommy Pat sa mga anak.

Pagkadating sa venue ay sinalubong sila ng kanilang Lola Jovel at Lolo Val na full-support din sa kanilang mga pinsan.

Hands-on naman sina Mommy Pat at Daddy Keng sa pagsama sa kanilang mga anak sa pag-akyat sa entablado hanggang sa pagkuha ng kanilang mga parangal.

Tumanggap si Isla ng sertipikasyon ng pagtatapos ng kanyang Toddlers Program. Samantala, si Ulap naman ay nakatanggap ng pagkilala nang matapos niya ang Basic Readiness Level for Infants and Pre-Toddlers Program.

“Na para bang nakapag-pagraduate ka na ng college!” biro ni Mommy Pat.

Farm Trip Bonding

Matapos ang kanilang pagdalo sa academic recognition nina Isla at Ulap, dinala nina Mommy Pat at Daddy Keng ang mga anak sa Yoki’s Farm upang maglibang.

Iba’t ibang mga hayop ang nakasalamuha nina Isla at Ulap dahilan upang matutunan pa nila ang kahalagahan ng kalikasan at mga naninirahan dito.

Game na game ring nakipaglaro sina Isla at Ulap sa mga hayop gaya ng kuneho sa gitna ng kanilang farm visit.

“Si Ulap talagang hinahawakan niya lahat eh. Walang katakot-takot ‘to!” obserbasyon ni Mommy Pat sa kanyang bunso.

Sinubukan din nilang magpakain at bisitahin ang zebra, sheep, kabayo, at marami pang iba sa nasabing farm.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

23 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.