Team Payaman’s Cong TV and Burong Prove They’re The Ultimate Birthday Crashers

Isang masayang day-in-a-life vlog ang hatid ni Burong sa latest upload kung saan ibinahagi niya kung paano siya naging plus one ni Cong TV sa isang birthday party. 

Day in a Life

Inumpisahan ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kaniyang vlog sa pamamagitan ng simpleng life update. 

Una niyang ipinakita ang unboxing ng bagong vlogging equipment na regalo ng DJI Philippines kasama sina Tita Krissy Achino at Vien Iligan-Velasquez sa kanilang bahay.

Sinundan naman nito ang mga tagpo sa pagsundo nila ni Junnie Boy kay Boss Keng para sa kanilang Pickleball session. 

Hatid din ng vlog ang pasilip sa kung sino nga ba ang totoong mga galante manlibre sa Anbilibabol Pikelbol Squad ng Team Payaman. 

Birthday Crashers

Isa pa sa kinagiliwan ng mga netizens sa latest vlog ni Burong ay ang pagiging birthday crasher niya kasama si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang kaibigan at co-owner ng Belo Medical Group na si Dr. Hayden Kho. 

Ibinahagi ni Burong ang pormal niyang coat na suot kahit “dress as you are” lang ang dress code sa nasabing star-studded birthday party kasama ang ilang pang kilalang Belo Babies. 

“Sabit lang ako dito,” ani ni Burong. “Pinaalam ko ‘yan, pumayag naman. Sabi nga niya itatabi ka kay Ray Parks,” sagot naman sa kanya ni Cong. 

“Pag ginawa mo akong plus 1,  para kang nag plus 100,” biro pa ni Burong. 

Isa sa naging biro ni Cong ay ang tamang introduction para kay Burong na aniya mas maganda ang totoong pangalan nito na Aaron, kesa sa “Burs” na may pagka impormal. 

“Magpapalit na nga ako ng screen name,” sagot naman ni Burong.

Noong oras na ng pagkain ng dinner ay hindi rin napigilan ng dalawa na matawa sa kanilang mga sarili.

“Nakita mo ‘yung pagkain, pards, hindi ko inuubos eh, ganun sa mga mayaman, titikman mo lang,” ani Burong. 

“Paano ‘yun, dila lang? Didikit mo lang sa dila mo? Kanina nahihiya ako, walang white rice eh, yun yung hinahanap ko,” biro ni Cong. 

Matapos makita sa event ang mga naglalakihang artista gaya nina Anne Curtis, Inigo Pascual, Joshua Garcia, Derek Ramsay at iba pa, tila nagsuportahan na lang ang dalawa na deserve rin nila maimbitahan sa party. 

“Pards, parehas lang tayo. ‘Wag mo naman ako ilayo sa’yo. Birds with the same feather, we flock together,” ani Cong kay Burong. 

May pasilip din ang vlog sa behind-the-scenes ng isang content para sa account ni Dr. Hayden kung saan nakasabit din si Cong TV, kasama ang ilan pang mga kilalang celebrity guests. 

“Guys, uuwi na po ang birthday crashers. Maraming salamat. Kung birthday niyo, alam niyo na kung saan kami hahanapin,” pagtatapos na mensahe ni Burong sa vlog. 

“Thank you DJI para sa bagong camera at salamat din naging sabit sa birthday,” caption naman niya.

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

2 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

3 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

4 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

4 days ago

This website uses cookies.