Former TP Editors, aka Tenfour Prod, Makes Their Mark in First International Project

Minsang nakilala bilang pangmalakasang video editors ng popular YouTube group sa Pilipinas na Team Payaman, ngayon ay unti-unti nilang pinapakilala ang sarili sa larangan ng production house na tinawag nilang Tenfour Productions.  

Matapos ang music video para sa Bandang COLN na ‘Lason’, isang panibagong proyekto na naman ang ipinamalas ng Tenfour Productions sa Japan para sa unang pagkakataon. 

Japan Tokyo Skytree

Naimbitahan ng Japanese Government ang Former TP Editors na sina Agabus Maza, Carlo Santos, Ephraim Abarca, at Steve Wijayawickrama na gumawa ng promotional video para sa sikat na tourist attraction na Japan Tokyo Skytree. 

Sa isang YouTube vlog, itinampok ng grupo ang ilang behind-the-scenes, planning, at pati na rin challenges sa kanilang naging production journey. 

Unang pagsubok para sa kanila ay sa kadahilanang biglaan lang ang imbitasyon, si Steve lang ang kaisa-isang may visa at pwedeng lumipad papunta sa Japan upang mag-shoot.

Datapwa’t nag alinlangan, buong loob naman tinanggap ni Steve ang hamon at gumawa sila ng epektibong estratehiya upang maisagawa ang mga plano.  

“Nahihirapan ako mag-isip ng shots kasi sobrang bilis ng mga nangyayari,” ani Steve sa unang araw ng shoot. 

Upang makahingi ng tulong at dagdag na kaalaman, minabuti ni Steve na tawagan ang direktor ng grupo na si Eph. 

Naisipan ng dalawa na upang mas ma-promote nang husto ang Japan Tokyo Skytree, mas maganda kung makabuo sila ng kwento na may emosyon. 

Buti na lang, kasama ni Steve ang Filipina actress na si Gillian Vicencio at manager ng kaibigan nitong si Iwaki Maegawa mula sa Skygarden na si Kenta Namba bilang aktor.

Sa loob lamang ng tatlong oras, kinailangan ni Eph makabuo ng storyboard na hindi tipikal na love story sa pamamagitan ng pagrebyu ng ilang mga romance movies, animes, poem, and songs. 

Noong oras na para ishoot ang promotional video, ilang naging pagsubok ni Steve ang unstable internet connection sa Japan habang naka video call mula sa Pilipinas si Direk Eph. 

Nagkaroon din ng pagkakataon na hindi available si Direk Eph, kaya kinailangan sumalo ng video call bilang direktor ng kagrupo nito na si Agabus mula pa sa South Korea.

Sa huli, dahil sa magandang teamwork ay tagumpay naman silang nakapag wrap up ng shoot. 

“A good visual without a good story is like a beautiful sentence that says nothing. A film is not remembered dahil lang maganda siya tignan sa mata. We don’t just chase pretty, cinematic visuals, or story, we create it,” pagtatapos ni Steve sa BTS vlog. 

Hanami

Ang nabuong short film ng Tenfour Productions ay pinamagatang ‘Hanami’ at tumagal ng 1:45 minutes.

“This is not a story about love ending because they stopped caring. It is about love that stays in the heart, even when the world no longer lets it grow. One of my favorite shots I’ve ever captured. Still learning, but moments like this mean a lot,” description ng vlog. 

Hindi naman pinalagpas ni Steve ang pagkakataon na makapagpasalamat sa lahat ng tumulong sa kaniya na mabuo ito, pati na rin sa mga sumuporta.

“Thank you, Tokyo Skytree, for making this video possible. And to everyone watching and appreciating how this was pieced together… thank you. It means more than you know,” komento ni  Steve. 

Watch the full vlogs here:

Alex Buendia

Recent Posts

Join Junnie Boy in His Ultimate Self-Care Relaxation Day

Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan…

1 day ago

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

2 days ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

3 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

3 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

4 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

4 days ago

This website uses cookies.