More Than Just In-Laws: The Inspiring Bond of Team Payaman Sisters

Dahil sa kanilang kakaibang bonding, marami ang humanga sa kakaibang ‘sisterhood’ na ipinapakita ng Team Velasquez ladies.

Sisterhood Goals

​Muling kinabog ng Team Payaman Wild Cats ang social media dahil sa kanilang tila walang kupas na ‘sisterhood goals.’

Sa recent social media post nina Mommy Viy Cortez-Velasquez, Mommy Vien Iligan-Velasquez, Mommy Pat Velasquez-Gaspar, at Tiyang Venice Velasquez, ipinamalas ng grupo ang lalim ng kanilang pinagsamahan na higit pa sa pagiging magkakamag-anak.

​Sa isang Instagram post ni Mommy Viy, ibinida niya ang kanilang masayang get-together na may simpleng caption na, “Real ✨.”

Sa larawan, bakas ang pagiging natural ng kanilang bonding habang nag-e-enjoy sa ilang baso ng wine. Agad namang dumagsa ang papuri mula sa netizens na humahanga sa kanilang pagsasamahan. 

​“Ang sarap ng ganito… pamilya na, magkakaibigan pa.” komento ng isang tagahanga.

​Growing Old Together

​Hindi rin nagpahuli si Mommy Pat Velasquez-Gaspar sa pagbabahagi ng isang mas emosyonal na reel. Ipinakita sa video ang raw at candid moments nina Mommy Pat, Viy, at Vien, mula sa malakas na tawanan hanggang sa seryosong iyakan.

​Sa kaniyang caption, taos-pusong pasasalamat ang kanyang ibinahagi: “POV: You were blessed with sisters-in-law who became your best friends.”

Dagdag pa niya, isang malaking biyaya ang malamang magkakasama silang tatanda at magbabantay sa kani-kanilang mga pamilya.

​“Nakaka-inspire ang istorya ng buhay ng pamilya niyo. Sana hindi kayo magbago at mas lalo pa kayong maging close sa isa’t isa. Kapupulutan ito ng aral ng mga kabataan ngayon,” paghanga pa ng isang netizen.

A Journey Shared with Fans

​Para sa mga solid supporters ng Team Payaman, ang bonding na ito ay simbolo ng tagumpay na sabay-sabay nilang binuo. Maraming netizens ang naging sentimental at nagbalik-tanaw sa naging journey ng grupo.

​“Ang sarap isipin na kasama kayo sa teenage memories namin, pandemic happy pill. Isa rin kami sa witness kung paano nabuo ang Team Payaman, Wild Dogs, Wild Cats, at Velasquez babies. Mula sa iconic proposals na nagsimula kay Junnie; mula sa pagsundo ni Cong kay Viy noon sa car dealer shop, hanggang sa sila na mismo ang bumibili sa mga car dealer; mula sa Congdo, Payamansion 1 & 2, at Congpound, hanggang sa nagkaroon na ng sariling mga bahay… pero Congpound pa rin. Solid kayo!” komento naman ng isang long-time fan.

Angel Asay

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

20 hours ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.