Dudut Serves Comfort Food and Good Vibes in His Latest Vlog

Isa na namang feel-good vlog ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a. Dudut, kung saan pinagsama niya ang kwentong pamilya, bagong simula, at masasarap na lutong-bahay sa iisang episode.

New Year, Fresh Start

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Dudut ang ilang personal na kwento tungkol sa pamilya at mga taong naging bahagi ng kanyang buhay. 

Kasunod nito, masaya niyang ibinalita ang ng Team Payaman member ang kaniyang paglipat sa bagong tahanan kasama ang pamilya.

Habang abala ang kanyang mga kapatid at nanay sa pag-aayos ng kanyang kwarto sa bagong bahay, nagsimula na silang maglinis bilang bahagi ng kanilang pangakong maging parte ng kanyang 2026, habang si Dudut naman ay bumawi sa pamamagitan ng pagluluto ng paboritong ulam ng kanyang pamilya.

Ayon kay Dudut, mas maaasahan siya sa kusina kaysa sa pag-aayos ng bahay kaya’t pagkain ang kanyang naging handog sa araw na iyon.

Comfort Food

Tatlong putahe ang kanyang inihanda, at una na rito ang Chinese-style Crispy Pork Belly. Sinigurado ni Dudut na tuyo ang balat ng baboy bago lutuin, tinusok-tusok ito upang lumabas ang moisture, at tinimplahan ng Chinese spices gaya ng paminta, bawang, at asin. 

Sunod naman ang Salted Egg Shrimp na kaniyang nilagyan ng light coating bago iprito at saka hinaluan ng ginisang bawang, sibuyas, butter, salted egg, at bell peppers para sa creamy na sauce.

Panghuli ay ang Tofu Sisig. Pritong tokwa na hinaluan ng sibuyas, bell peppers, sili, at sauce na gawa sa liver spread, Japanese mayonnaise, at iba pang seasonings.

Matapos ang kainan, nakita rin ni Dudut ang maayos niyang kwarto na ikinatuwa at ikinarelax niya matapos ang mahabang araw. 

Para sa kanya, ang pinaka-importanteng nagawa niya ay ang mapaglutuan ang pamilya at makasama sila sa isang simpleng ngunit makabuluhang salu-salo.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.