Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Spice Up Independence Day with an Adobo Showdown

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, isang espesyal na laban sa kusina ang inihain ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang ika-apat na episode ng Kusina Warz.

Sa pagkakataong ito, nakataya ang isang araw ng “kalayaan” para sa sinumang tatanghaling panalo. 

Alamin kung sino nga ba ang nagwagi sa nakakatuwang tagisan ng galing sa kusina nina Viviys at Cong TV.

Adobo Showdown: Datu Puti Edition

Sa ika-apat na episode ng Kusina Warz, muling pinasaya ni Viviys ang kanyang mga manonood sa isang masayang cook-off kasama ang kanyang asawa na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.

Dahil walang opisyal na “pambansang ulam” ang Pilipinas, napagdesisyunan ni Viy na ang adobo ang pinakaangkop na ihanda para sa okasyong ito. 

Ngunit sa halip na simpleng paligsahan, nag-level up ang Kusina Warz dahil tig-dalawang putahe ang niluto ng bawat isa.

Para mas mapadali ang proseso ng pagluluto, gumamit si Viy ng Datu Puti Adobo Series na may ready-made na timpla, habang si Cong naman ay naghanda ng pininyahang bangus gamit din ang nasabing rekados.

Naging bahagi rin ng episode ang tipikal na asaran nina Viy at Cong. Sa bawat eksena, kapansin-pansin ang pagbibigay-halaga ni Viy sa pagiging praktikal sa kusina, gaya ng paggamit ng ready-mix sauces para mas mapadali ang pagluluto. 

And the Winner is…

Matapos ang matinding tagisan sa kusina nina Viviys at Cong TV, dumating na ang oras ng tikiman at hatulan.

Sa pagkakataong ito, dalawang putahe mula sa bawat panig ang inihain sa mga hurado—Rice Cooker Humba Rice at Sweetened Pinoy Spice Pork Adobo mula kay Viy, habang Air Fried Pininyahang Bangus at Pinoy Spice Adobong Puti naman ang kay Cong.

Kabilang sa panel of judges ang kapwa nila Team Payaman members na sina Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino, Aaron Macacua, a.k.a Burong, Steve Wijayawickrama, Yow Andrada, at Kuya Terio. Bawat isa ay nagbigay ng tapat at masinsinang komento—mula sa lasa at texture hanggang sa presentasyon ng pagkain.

Sa kabila ng mga papuri at puna, nagkaroon ng pagkakahati-hati sa boto. Dahil dito, nagpasya si Viviys na kumuha ng isang final judge upang tuluyang mapagdesisyunan kung sino sa kanilang dalawa ni Cong TV ang panalo.

Bilang huling hakbang upang malaman kung sino ang tunay na karapat-dapat sa “kalayaan,” ipinakilala ni Viy ang kanilang final judge—walang iba kundi ang aktres na si Cristine Reyes.

Hindi maitago ang gulat ni Cong sa pagdating ng kanyang long-time celebrity crush, na siyang magbibigay ng hatol.

Ipinakita pa ni Viy ang mga lumang Facebook post ni Cong noong 2013, na nagpapatunay kung gaano katagal na niyang hinahangaan ang aktres.

Matapos tikman at suriin ni Cristine ang bawat ulam, idineklara niyang ang nanalo ay ang inihandang Rice Cooker Humba Rice at Sweetened Pinoy Spice Pork Adobo ni Viy.

Nagpasalamat naman si Viy kay Cristine sa pagdalo at pagbibigay ng desisyon, habang si Cong ay game na tinanggap ang pagkatalo, dahil panalo na rin siya sa simpleng presensya ng kanyang idolo.

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

18 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.