Veteran Wedding Host Eri Neeman Addresses ‘Kalbo’ Jokes

Kilala si Eri Neeman bilang isa sa mga tanyag na wedding hosts sa bansa na may tinatayang mahigit sa isang dekadang karanasan pagdating sa industriya ng kasalan.

Sa likod ng kanyang nakaka-aliw na wedding ceremony spiels ay ang katotohanan na kanyang nararamdaman sa tuwing s’ya ay makakabasa ng “kalbo” jokes.

Addressing ‘Kalbo’ Jokes

Sa kanyang recent Instagram reel uploads, taas noong hinarap ng beteranong Wedding Host na si Eri Neeman ang mga patutsada pagdating sa mga lumalaganap na mga biro online.

Nilinaw ni Eri na una na n’yang sinubukan magbitaw ng mga “kalbo jokes” upang makapagbigay aliw sa kanyang munting komunidad.

“Narealize ko as I was continuously pushing Kalbo Jokes for the past two years, nakikita ko na medyo the comments were getting toxic,” kwento niya.

Ibinahagi rin n’ya na ang dahilan ng pagkakaroon ng bald hairstyle ay dahil tiyak s’yang ito ang babagay sa kanya. 

Isa sa mga inaalala ni Eri ay ang mga kapwa n’ya kalbo na naging sanhi ay ang pagkakaroon ng health issues gaya ng alopecia, cancer, na nakakaranas ng cyberbullying.

“Nakita ko na ‘yung epekto ng ganun sa mga tao who didn’t choose to lose their hair,” aniya.

Taas noo namang tinanggap ni Eri ang pananagutan sa kanyang mga sinimulan na kalbo jokes at ipinaliwanag na kanya nang tinuldukan ang paggawa ng mga nasabing contents.

Touching Comments

Matapos mapakinggan ang pahayag ni Eri pagdating sa ‘kalbo’ jokes, marami ang natuwa at nakiisa sa hangarin n’yang tuldukan ang nasabing mga biro.

Thebeardedhost: “We take care of our own kalbs. Okay lang yan, ‘di ka nag iisa! #baldlove”

Pidomontecillo: “Started with boy pick-up; rediscovered with the kalbo jokes; got more invested with the takusa chronicles with @dinocornel, sustained with the wedding clips; empathized with the life lessons… Tldr, stay for the journey!”

Henri41: “Thanks for this.. Very much appreciated!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

13 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.