Viy Cortez- Velasquez Shares Ultimate Michael Jackson Fangirl Moments

Kung matagal ka nang solid sumusubaybay sa Team Payaman vlogger na si  Viy Cortez Velasquez, alam mong OG fangirl siya ng King of Pop na si Michael Jackson. 

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi nito ang kanyang karanasan sa nagdaang Michael Jackson tribute concert nitong nakaraang linggo. 

From Childhood Jams to Ultimate Fangirl Feels

Sa kanyang latest reel upload, dinala ipinasilip ni Viy Cortez-Velasquez ang mga tagpo sa isinagawang tribute concert para sa yumao nitong idolo na si Michael Jackson. 

Ang nasabing concert ay hindi lamang simpleng event para kay Viviys, kung hindi isang nostalgic fangirl moment. 

Kwento niya, nagsimula ang lahat dahil sa kaniyang tatay na si Rolando Cortez o Papa Wow, na mahilig magpatugtog ng MJ songs sa bahay. Doon unti-unti niyang nakilala si MJ, hindi lang sa music kundi pati na rin sa buong buhay nito.

“Tapos meron pa ‘yong pinakamalupit na naalala ko, noong nawala siya, gumawa ako ng diary,” ani Viviys. 

“Nandoon ‘yung compilation ng pictures niya. Ngayon, ‘yung nararamdaman ko napakasakit, nawala na… tapos pinapatak ko pa ‘yong luha ko doon,” kwento pa niya. 

A Once-in-a-Lifetime Experience

Noong nalaman ng 28 anyos na vlogger na magkakaroon ng tribute concert para sa kanyang iniidolo, agad siyang na-excite. Ang ilan din sa kaniyang mga tagahanga ay siya ang naisip nang makita ang concert promotion.  

Kaya naman nang surpresahin siya ng kanyang asawa na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV ng concert tickets, abot langit ang tuwa ni Viviys.

Matapos makaramdam ng tuwa dala ng kanyang karanasan sa kanyang first-ever Michael Jackson concert experience, napagdesisyunan ni Viviys na mamili ng isang lucky fan na kanyang bibigyan ng  libreng ticket upang makapanood ng concert.

“Habang nabubuhay pa mga idol nyo, manood kayo ng concert nila. Ako hanggang sa mga ganito na lang. Pero feeling ko siya ‘yan,” caption niya. “Sino idol nyo? Mamimili ako ng isa na ililibre ko ng concert sa idol nila,” ani Viy sa kanyang Facebook post

Marami ang natuwa sa pag-abot ni Viy ng isa sa kanyang mga pinapangarap, kung kaya’t marami rin ang nagbakasakaling mapili silang mabigyan ng pagkakataong mapanood ng live ang kanilang iniidolo.

Ikaw na kaya ang lucky fan, Kapitbahay? Comment na!

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.