In-Between: Capinpin Brothers Share Important Lesson About Gambling Addiction

“Gambling is a family disease. One person may be addicted but the whole family suffers.”

Sa halos dalwampung minutong YouTube vlog ni Geybin Capinpin, o mas kilala bilang si Ser Geybin, ay nagpakitang gilas siya sa Capinpin Brothers sa isang betting card game na In-Between.

Hamunan Galore

Maaalala sa mini-vlog ni Ser Geybin noong 2021 na pinamagatang “Ganito din ba kayo mag in-between ng pamilya nyo,” ay dati nang nagkakahamunan sa in-between ang kanyang buong pamilya – kabilang na ang kanilang ama, ina, at kapatid na si Allen Capinpin o Chief Allen.

“Ako ang nagmana sa kagalingan ni Papa. Lumaban akong piso lang ang pera ko, umuwi ako isang milyon ang pera ko,” pagyayabang ni Ser Geybin.

Noong umiinit na ang laban sa kanilang unang laro ay umabot sa pustahan, mula sa itinatayang mga candy ay naging pagbabayad sa bagong mamahaling poker table, ang ibabayad ng matatalo sa kanilang laro. 

“Kapag natalo ka, ikaw ang magbabayad non. Kapag nanalo ako, ako ang magbabayad non. Ora mismo, kapag natalo ako, kukuhanin ko,” kumpiyansa ni Ser Geybin sa sarili.

Ngunit minalasan ni Ser Geybin ay natalo, kaya kinuha niya nga ang bagong poker table.

Matapos ang unang laro ay tinanong naman ni Chief Allen ang kapatid kung gusto niyang bumawi sa pamamagitan ng isa pang laro. 

“Kapag napanalo mo ‘to, babayaran ko ‘to (poker table). Kapag natalo ako, Cochinillo (mini Lechon) lang,” hamon ni Allen na sinang-ayunan naman ni Ser Geybin.

Matapos ang halos limang minutong paglalaro ay muling natalo si Ser Geybin kaya napabili siya ng Cochinillo. 

Sa huli, nag-iwan si Ser Geybin ng importanteng mensahe para sa mga manonood.

“Kaya kayo mga ma’am and sir, lubay-lubayan niyo na ang sugal na ‘yan. Kahit nagsisimula sa mga maliliit na bagay, kita niyo lumalaki. Huwag kayong umasang mananalo kayo, dahil parati kayong talo sa sugal.” 

Netizens Reactions

Umani naman ng mga papuri mula sa netizens si Ser Geybin dahil sa kanyang makabuluhang mensahe at aral na iniwan sa vlog.

Isa na si Gladys Estrada sa nagpahayag ng kanyang kumento sa pamamagitan ng isang Facebook post. 

“While watching the most recent vlog of Ser Geybin, natuwa lang ako sa notes sa dulo. Sobrang TOTOO! Di siya pagiging OA, nakakasira talaga siya ng pamilya. Kung di ka marunong magcontrol, uubusin ka ng bisyo mo. Mababaon ka sa utang, na pwede magresult ng pagiging magnanakaw mo,” ani Gladys.

Dagdag naman na kumento ni Christopher Franco: “Sa dami ng online casino ngayon, pati mga mobile wallet meron. Talagang self discipline and control na lang ang aasahan mo.”

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Viyline Mobile Billboard is Giving Free Tickets for Team Payaman Fair 2026

The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…

3 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

1 day ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

2 days ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

2 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

3 days ago

This website uses cookies.