Viy Cortez-Velasquez Hilariously Pulls Epic Prank on Judy Ann Santos-Agoncillo

Isang hindi inaasahang collaboration ang handog ni Viy Cortez-Velasquez matapos ang walang katapusang request ng bagong vlog mula sa kanyang manonood.

Tunghayan ang matagumpay at nakakatawang prank ni Viy at ng kanyang team sa  batikang aktres at food vlogger na si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Terror Boss Prank

Sa kanyang bagong vlog, katatawanan na naman ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez kasama si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Naimbitahan ang grupo nina Viy na bumisita at masubukan ang mga putaheng handog ng negosyo ng aktres na ‘Angrydobo’

Upang mas lalong maging memorable ang unang pagkikita ni Viy at Juday, naisipan nitong i-prank ang aktres sa tulong ng Team Payaman editor na si Cyril Factor sa pamamagitan ng interview.

“Hindi lang interview ang ginawa namin dahil mag-aaway kami ni Cy sa harap n’ya. Kaya tignan natin kung si Cy ang masasampal ko o ako ang masasampal ni Ms. Judy Ann!” biro ni Viviys.

Nagsimula ang prank sa hindi pagkakaintindihan ni Viy at Cy pagdating sa pagsisiyasat sa nasabing interview.

Una na nitong napagsabihan si Cy dala ng pagbibigay ng maling impormasyon patungkol kay Judy Ann at pagka-antala ng vlog dahil sa technical issues.

“Kaya ka nagiging bagay eh,” biro ni Judy Ann.

Mas uminit ang tensyon nang pagalitan na ni Viviys si Cy sa harap ni Judy Ann, dahilan upang magulat

ito.

“Tignan mo ma’am, ang sabi n’ya, ang dami daw kasing pinapaprint! Ano ba namang sagot ‘yan? Hindi na kayo nahiya!” ani Viy.

“‘Wag kang ma-stress. Okay lang ‘yan. Nangyayari ang pagkakamali. Chill! Okay lang ‘yan!” pagpapakalma ni Juday kay Viviys.

Nang kunwaring hindi na napigilan ni Cy ang kanyang nararamdaman, mas lalo nitong napaniwala ang kanilang biktima sa kanilang prank.

“Binabastos n’yo ako sa harap ni Ma’am Judy Ann, nakakahiya naman kayo ‘te! Ang daming tao ‘te, buti sana kung tayo tayo lang” saad ni Cy.

Sa gitna ng tensyon, hindi na napigilang matanong ni Judy Ann kung nais ba ng mga ito na i-reschedule na lamang ang kanilang interview.

Funny Reactions

Ilang sandali lang ay hindi na napigilan ng dalawa na aminin na naging biktima ang aktres sa kanilang inihandang prank.

“Pasado [kayo sa acting], in fairness!” reaksyon ni Juday.

Dagdag pa nito: “In fairness, best actor ka [Cy] d’yan ah!” 

Hindi rin napigilan ng mga manonood na ipadala ang kanilang mga nakakatuwang reaksyon sa kakaibang content na hatid ni Viviys.

@kylechloemendezfrancisco2259: “The collab we didn’t expect!”

@ayyrraa: “Ang galing mo Cy. Imagine masabihan ka ng prime superstar na si Ms. Judy Ann Santos na ‘best actor’ nakaka proud!”

@printstuffgraphics57: “You can see na very protective si Ms Judy Ann sa mga anak nya.. ayaw nya makita yung ganung klaseng environment.. yung may away away.. pero you can feel her being calm pero uncomfortable. Walang ere, walang pa superstar feels.. yung totoong mejo parang na didissapoint s’ya sa nangyayari. Galing ng actingan!”

@maimaim6861: “OMG! Judy Ann Santos!!! ‘Yung pic na post last week alam ko sa Angrydobo ‘yun talaga. Pero The Judy Ann Santos na tooooo!!! Iba ka Viviys!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Plan Your Next Barkada Staycation With Yiv Cortez’s Recommended Place

Since it’s almost the BER months, there’s no better way to welcome the holiday season…

7 hours ago

Netizens Hyped as Team Payaman Gears Up for “TEAM PAYAMAN: Race To The Fair” Vlog

Dahil nalalapit na ang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat, isang pangmalakasang content ang…

18 hours ago

TP Kids Building Blocks Bring Screen-Free Play to Kids at Home

Looking for a fun way to keep the little ones busy at home without relying…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Mavi and Viela’s Back-to-School Preparations

Isang relatable na mommy moment ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang latest vlog nang…

2 days ago

Past TP Fair Attendee? Here’s How You Can Access the First Wave of Team Payaman Fair Ticket Selling

Calling all solid Team Payaman fans! You’re in for an exclusive treat because you get…

3 days ago

Cong TV, Burong, and Dudut Go All-Out in Hilarious Impersonation to Surprise Team Payaman in Vietnam

Katatawanan ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs na sina Cong TV, Burong, at Dudut,…

3 days ago

This website uses cookies.