Team Payaman Mommies Share Parenting Tips in New Video Podcast

Para sa unang bahagi ng pinakabagong video podcast series ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang YouTube channel, inimbitahan niya ang kanyang Team Payaman in-laws na sina Vien Iligan-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar. 

Maliban sa kwentuhan tungkol sa buhay may asawa, pagiging content creator, at mga pangarap na gusto pa nilang abutin, isa sa paksang tinalakay nila ay ang kanilang pagiging isang ina. 

Alamin kung paano nga ba dinidisiplina at pinapalaking mabuti ng mga Team Payaman mommies ang paborito nating mga Team Payaman kids!

Dealing with consequences

Isa sa napagkwentuhan ng Team Payaman mommies ay ang istorya kung paano minsang dinisiplina ni Vien ang kanyang panganay na si Mavi noong nalamang nasasaktan nito ang kanyang kapatid at pinsan habang naglalaro. 

Kwento ni Vien na habang tumatanda na si Mavi ay iniiwasan nilang mag-asawa ang pamamalo sa anak bilang disiplina. Bagkus ay ipinapaliwanag nila nang maayos ang maling aksyon ng anak at maaaring maging resulta nito na siyang hinangaan naman ng mga netizens. 

“‘Yung way of discipline nila Vien is very realistic. Pinapakita nila ang consequence ng action as an adult, and not just a kid,” komento ng isang netizen. 

“Iba na kasi ang era ngayon, ‘yung mga nagwork sa era natin nung mga panahon natin, hindi na siya nagwo-work ngayon sa mga anak natin,” ani Pat.

Dagdag na paliwanag din ni Mommy Pat na habang lumalaki ang kanyang 1-year-old unico hijo na si Isla ay nagiging mas maingat silang mag-asawa sa mga binibitawang salita at pinapakitang aksyon sa loob ng bahay sapagkat ito ang kinagigisnan at maaaring gayahin ng kanilang anak.

Samantala, para naman kay Mommy Viy ay trial and error ang pagiging isang magulang kung kaya hindi siya nahihiya sa paghingi ng tulong sa mga kapwa niyang magulang. 

“Walang ibang taong pwedeng magsabi kung tama o mali ang ginagawa mo, tanging ikaw lang. Kasi iba-iba tayo at iba-iba rin ang mga anak natin,” ani Viy.

Dealing with curiosity

Isa rin sa naibahagi ni Vien ay ang pagtugon nilang mag-asawa sa lumalawak na curiosity ng anak na si Mavi patungkol sa iba’t ibang bagay.

Kwento niya ay minsang tinanong ni Mavi kung bakit nga ba alam ng mga matatanda lahat ng sagot, kung saan sinagot naman niya ito ng “Ganyan din kami noong bata, lahat ng tanong mo sa amin, tinanong din namin sa mga magulang namin tapos naranasan namin.”

Binigyang-diin nila ang importansiya ng pagsagot nang tama sa mga katanungan mula pa lang sa bahay upang ito ang paniwalaan at hindi na para magtanong pa sa iba.

“Kailangan ang tatay, kayang sagutin lahat ng curiosity ng anak, para hindi siya magtatanong sa iba. Dapat ‘yung anak mo, sa loob pa lang ng bahay, kung ano ‘yung mga tanong niya, masasagot ng ama.”

Watch the full video here:

Alex Buendia

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

21 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

21 hours ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.