Congpound Reality Show: Viy Cortez Attempts Her Version of Team Payaman Reality TV

Kung isa kang solid Team Payaman fan at interesado kang malaman kung ano nga ba ang karaniwang pinagtatalunan ng mga tao sa Congpound, pwes ito ang regalo ni Viy Cortez para sa’yo.

Sinubukan ng 27-anyos na Team Payaman vlogger at entrepreneur na gumawa ng bagong YouTube segment na tinawag niyang “Medyo Reality Show” sa kanyang ikalawang YouTube channel.

Medyo Reality Show

Ang unang bahagi ng reality show ay pinamagatang “Sabog Day” kung saan pinagdiskusyunan ng mga miyembro ng House G ang tila sumabog na linya ng kuryente sa isang banyo.

Paliwanag ni Carmina Marasigan, o mas kilala bilang si Ate Acar, napansin na lang niyang may amoy sunog sa nasabing banyo.

“Naandon ako sa loob ng kwarto namin, napansin ko na parang may amoy sunog… Maya-maya, biglang may sumabog,” ani Ate Acar.

Kaya inimbestigahan ni Viy ang mga pangyayari bilang isa sa mga namumuno sa nasabing tahanan.

Iminungkahi rin ng sekretarya ni Viy na si Pat Pabingwit na humingi ng tulong sa mga eksperto kagaya ng kanilang bodyguard na si Kuya Glenn.

 “So kailangan namin ng expert na may alam sa kuryente,” ani Pat.

Subalit umani siya ng sari-saring reaksyon mula sa mga kasama sa bahay sapagkat mali siya ng nirekomendang tao.

“Pat, ‘wag ka na bida-bida sa mga kwento. Kung may eviction talaga dito, isa ka sa maraming points,” ani Viy kay Pat.

Sinubukan din ng Team Payaman members na magkaroon ng sariling nomination night, kung saan umani si Pat ng kabuuang 11 points.

Ngunit sa huli, pinakamalaki pa rin ang puntos na natanggap ni Cong TV nang bigyan siya ng 30 points ng kanyang editor na si Ephraim Abarca dahil lagi raw siya nitong isinasama sa negosyong Wheelz on the South (WoTS). 

“50 points para kay Bossing [Cong]. Kasi lagi niya akong sinasama sa WoTS. Pero actually kumikita naman ang WoTS eh, kaya minus 20, kaya 30 points,” biro ni Ephraim.

Alamin kung ano nga ba ang sanhi ng nasabing pagsabog sa banyo at abangan ang iba pang mga kaganapan sa Congpound sa sunod na episode ng reality show sa ikalawang YouTube channel ni Viy.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Viyline Mobile Billboard is Giving Free Tickets for Team Payaman Fair 2026

The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…

12 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

2 days ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

2 days ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

3 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

3 days ago

This website uses cookies.