Pinasilip ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ang kanilang taos-pusong usapang mag-asawa ni Lipa City Councilor Mikee Morada sa kanyang bagong YouTube vlog.
Habang kumakain sa isang restaurant sa Lipa, Batangas, pinag-usapan ng mag-asawa ang mga nangyari sa loob ng apat na taon nilang kasal at walong taon na magkarelasyon.
Ilan sa mga naging paksa nila ay ang isa sa tila malalang pag-aaway kamakailan lang, pati na rin ang naging epekto sa kanila ng pagkawala ng kanilang una sanang supling.
Ayon kay Alex, isa sa naging reyalisasyon niya bilang asawa ay ang kusang pagmamahal nang buong-buo.
“Ganon ang pagiging isang asawa, you will love your husband, you will love your wife, kahit dun sa pagkakataon na ayaw mo,“ sabi ni Alex.
Para naman kay Mikee, sila ang nagpapabuo sa isa’t isa lalo’t higit sa kabila ng diperensya ng kanilang propesyon.
“You have your own thing; I have my own thing. Ang importante, at the end of the day, we support each other in those fields,” ani Mikee.
Pinagusapan din ng dalawa ang kalakasan at kahinaan ng kanilang relasyon.
Para kay Alex, isa sa kalakasan ng kanilang relasyon ay ang pagiging “humble” sa kabila ng ilang mga pag-aaway.
“We both put our egos down and our pride down. Walang nagmamataas sa atin,” ani Alex.
Sagot naman ni Mikee ay kinakalimutan na niya at hindi masyadong inaalala ang mga away at problema.
“When you forgive, you forget. Ikaw, ‘yun ang problema mo. Kahit sobrang tagal na, inaalala mo,” ani Mikee.
Dagdag pa ni Mikee, komunikasyon ang isa sa kailangan nilang pagtuunan bilang mag-asawa. Para sa kaniya, siya ang good listener sa kanilang dalawa habang madaldal naman si Alex.
“Kaya nga bagay tayo, listener ka, talkative ako. Oh eh ‘di perfect match,” biro naman ni Alex.
Samantala, sa kanyang YouTube description, nagpasalamat naman si Alex na sa kabila ng lahat ng pagsubok bilang mag-asawa ay patuloy silang ginagabayan ng Maykapal.
“Recently, our marriage went through a challenging situation, but by God’s grace, we were able to come out of it stronger and closer. It really depends on how much you and your partner value your marriage. Mahirap pero laging makakaya basta nagmamahalan. Thank you, Lord Jesus, for being the cornerstone of our relationship.”
Watch the full vlog here:
Vien Iligan-Velasquez is adding more stylish pieces to her wardrobe as she shares her latest…
Finding ways to encourage children to eat healthier can be a challenge for many parents,…
Between school, work, errands, and family activities, preparing healthy meals every day can be a…
The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…
As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…
Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…
This website uses cookies.