Congpound Reality Show: Yow Andrada Introduces Team Payaman Reality TV

Pinasilip ng Team Payaman content creator na si Yow Andrada sa kanyang bagong YouTube vlog ang unang bahagi ng ala reality show sa Congpound na pinagbibidahan ng mga kapwa niya Team Payaman members.

Mga kaganapan sa House A

Nagsimula ang vlog na pinamagatang “Kuya, napanaginipan kita kagabi” sa isang kapehan na malapit sa Congpound, kung saan tinalakay ng House A members ang iba’t ibang paksa gaya ng kape, pera, kasalan, at gawaing bahay. 

Binahagi naman ni Clouie Dims na kaya sila nasa kapehan noon ay dahil nagkukulang na ang sarili nilang gamit pangtimpla ng kape. Masarap din naman aniya ang pagkain, at aesthetic din ang nasabing lugar. 

“Kaya ko naman, kaya kong walang kape sa isang araw. Pero may araw talaga na parang kailangan mo ng kape lalo na kapag may kailangang work na tapusin,” dagdag ni Clouie.

Tinalakay din sa vlog ang nalalapit na kasal ng magnobyong sina Aaron Macacua, a.k.a Burong at Aki Angulo, at kung bakit nalipat ang petsa nito mula June ay naging December.

Pinagtulungan din pagisipan ng House A members kung ano nga ba ang magandang hashtag para sa nalalapit na kasalan. Kumatok naman si Burong sa puso ng mga manonood na tumulong mag-isip at magbigay ng suhestiyon. 

Pinagusapan din ng House A members ang napanalunan ni Steve Wijayawickrama sa P1M sa fitness challenge ni Cong TV.

“Hindi naman naubos, napunta sa good, for the better,” ani Steve. 

Dagdag pa ni Steve, tatlong buwan na siyang walang naa-upload na vlog kaya nagsimula rin siyang mag-edit ng ilang video para sa ibang international clients upang makatawid sa pang araw-araw.

“Alipin tayo ng salapi eh so we do what we do just to survive,” sabi ni Steve.

Tampok din sa reality show ni Yow ang bagong content material ng House A na si Kuya Ban-Ban na bumida sa tila away-pagsasaing nila ni Dudut Lang. 

Abangan ang susunod pang bahagi ng Congpound reality show sa YouTube channel ni Yow.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Viyline Mobile Billboard is Giving Free Tickets for Team Payaman Fair 2026

The countdown to Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat just got even more exciting!…

12 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Shares Essential Bath Time Safety Tips for Active Toddlers

As children grow more active and curious, keeping them safe during everyday activities becomes increasingly…

2 days ago

Boss Keng and Mommy Pat Share Son Isla’s Transition From Homeschooling in New Vlog

‎ Panibagong milestone ang ipinagdiwang ng pamilya Velasquez-Gaspar matapos ang transisyon ng panganay na si…

2 days ago

Boss Keng Challenges Team Payaman Members to Eat Five Hotdogs in One Minute

Sa kanilang pagbisita sa sementeryo noong Undas, nagsagawa ng kakaibang bonding activity ang Team Payaman…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gives Fans a Peek Into Her Family Life in Recent realiTViy Vlog

Excited na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga panibagong tagpo…

3 days ago

Junnie Boy Coaches Son Mavi for School Sportsfest in Latest Vlog

Hindi man mahilig sa basketball si Mavi, sinubukan pa rin niya ang naturang sport bilang…

3 days ago

This website uses cookies.