Cong TV Trends After Introducing ‘Papa Cocon’ Character

Top trending na naman sa YouTube at iba pang social media platforms si Cong TV, matapos ibahagi ang nakakaaliw na video para sa anak na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.

Ibinida ng Team Payaman headmaster ang kanyang DIY kid-friendly video kung saan ipinakilala nito ang kanyang bagong karakter bilang “Papa Cocon.” Layunin ng nasabing video na aliwin si Baby Kidlat at turuan itong masabi ang salitang “papa.”

Papa Cocon

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Lincoln Velasquez  ang kanyang ideya matapos itong hindi pansinin ni Baby Kidlat.

“Di ka n’ya gusto, lagi ka kasing nakatambay sa labas!” biro ng fiance nitong si Viy Cortez.

Agad namang nakaisip si Cong TV ng paraan upang makuha ang loob ng anak at para na rin matuto itong tawagin siyang “papa.” Ginulat ni Cong si Viy sa kanyang DIY kid-friendly video na pinamagatang “Learning with Papa Cocon.”

Hango ang ideya ni Cong si sikat na YouTuber na si Teacher Rachel na kadalasang pinapanood ni Baby Kidlat at iba pang bata ngayon. 

“Yan kasi ang storya ni Rachel. Ginawa n’ya yan para sa anak n’ya!” kwento ni Cong.

Ikinatuwa naman ni Viy ang nasabing video na may halong katatawanan at kaalaman. Halo-halo naman ang reaksyon dito ng iba pang miyembro ng Team Payaman. 

“Para kang nagta-trabaho sa Saudi! Para kang magmumura anytime!” biro ni Burong.

Tawa rin ang sumalubong kay Cong matapos panoorin nina Bok, Yoh, at Burong ang pribadong episode ng Learning with Papa Cocon.

“Ayaw ko panoorin!” reaksyon naman ni Mavi.

Halos mahiya naman ang hipag nitong si Vien Iligan-Velasquez habang pinapanood ang nasabing video kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Kinabukasan, buong galak na ipinapanood ni Cong TV ang kanyang obra kay Baby Kidlat upang makita ang kanyang reaksyon.

Tila nagtagumpay si Cong sa kanyang mga plano dahil mabilis na nakasunod si Baby Kidlat sa kanyang mga itinuro sa nasabing video.

“Uy! Gusto n’ya sumama sa akin. Hinahawakan n’ya ako kahit hindi ko s’ya kinukuha!” ani Cong.

“Magagalit sa akin ang mommy mo pero worth it naman!” dagdag pa nito.

Bagamat natuwa nung una, tila nagtampo naman ang soon-to-be wife ni Cong TV dahil sa nasabing video.

“Yung vlog na ginawa mo puro papa tsaka dada wala man lang kahit isang mama,” depensa ni Viviys.

Kaya naman isa na namang pakulo ang naisip ni Cong TV. Pero sa pagkakataong ito, mayroon na syang special guest sa ikalawang episode ng Learning with Papa Cocon.

Netizens’ Reactions

Labis na ikinatuwa ng mga manonood ang kakaibang vlog ni Cong TV, dahilan upang maging Top 1 Trending ito sa YouTube.

Kaliwa’t-kanan ang mga positibong komento ng mga netizens sa kakaibang trip ng tinaguriang YouTube power couple. 

J j: :”From ‘10 utos ng inuman’ to ‘Learning wit PapaCocon.’  Ibang klase ka talaga Cong. Salute!” 

Cinco: “It seems funny but the love and dedication he pours to kidlat is really special”

Alyssa Obien: “The fact that he made this for our Kidlat. Ang effort naman ng papa Cocon!!!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Join Junnie Boy in His Ultimate Self-Care Relaxation Day

Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan…

2 days ago

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

2 days ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

4 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

4 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

5 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

5 days ago

This website uses cookies.