Team Payaman’s Bods to Star in a Music Video with a Beauty Queen?

Matapos kumbinsihin si Bods na bumida sa isang music video ay todo hanap naman ngayon ng on-screen partner si Kevin Hermosada para sa kanyang artista. 

Sa kanyang mga nakaraang vlogs, ipinakita ng Team Payaman editor-turned-vlogger ang karanasan sa paghahanap ng mga bibidang artista para sa music video. Ito ay para sa bagong kanta na inilabas ng kanyang bandang “Libre” na pinamagatang “Sana.”

Kung sino-sinong Team Payaman members ang inaya ni Kevin, ngunit sa huli ay napansin nito ang potensyal ni Brylle Galamay, a.k.a Bods, na bumida sa music video. 


Agad namang napa-oo ni Kevin ang kapwa TP Wild Dogs, pero tila humirit ng isang kondisyon ang video editor ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.

“Basta maganda yung partner,” ani Bods.

Wanted Bods Partner

Sa bagong vlog ni Kevin, isa-isa nitong tinanong ang mga kasama sa Payamansion kung sinong artista o personalidad ang bagay makatambal ni Bods sa music video. 

Iisa lang ang sagot ng lahat ng Team Payaman boys at maging si Cong TV ay binigay ang kanyang boto kay “Isa.” 

“Yung ka-love team niya (Bods) sa vlog ni Yow, si Isa! Sa kanya ang boto ko!” dagdag pa ni Cong TV. 

Pero bago ituloy ang pagpapares ng dalawa ay pinayuhan nito si Kevin na siguruhing single ang dalawang panig para walang masaktan sa gagawing music video. 

Who is Isa?

Ang tinutukoy na Isa ng Team Payaman boys na bagay maging kapares ni Bods sa music video ay si Isabelle Delos Santos. 

Si Isabelle ay isang dating beauty queen na nirepresenta ang Lungsod ng Makati sa Miss Universe Philippines 2021. Bukod sa pagsali sa beauty pageants ay nagsisilbi ding modelo at artista si Isa. 

Source: Isabelle Delos Santos Facebook page

Sa kasalukuyan ay bumibida ito sa NET 25 sitcom series na “Quizon CT,” kung saan kasama niya ang isa pang Team Payaman member na si Yow Andrada.

Nagsimulang tuksuhin sa isa’t-isa ni Yow sina Isa at Bods sa kanyang vlog kahit hindi pa man nagkikita ang dalawa sa personal o online. 

Bagamat hindi pa pormal na nagkakilala ang dalawa ay kitang kita na ang kanilang on-screen chemistry sa mga vlogs ni Yow. Kinagiliwan ri ng netizens ang pagpapares kina Bods at Isa at inaabangan na ang kanilang pagkikita. 


Dahil dito, sinubukan tawagan ni Kevin Hermosada si Isabelle Delos Santos para tanungin kung pwede ba itong bumida sa nasabing music video kasama si Bods. 

Kita rin sa vlog ni Kevin ang unang pagkikita ng dalawa via Zoom na talaga namang kinakiligan ng lahat.

“Hello po Bods! It’s nice to see you po! Sa wakas” bati ni Isa. 

Panoorin ang nakakakilig na tagpo:

Kath Regio

Recent Posts

Join Junnie Boy in His Ultimate Self-Care Relaxation Day

Ang bagong vlog ni Junnie Boy hatid ay isang relaxation day kasama ang mga kaibigan…

11 hours ago

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Enjoy a Quick Escape in Tagaytay

Napuno ng matatamis na tagpo ang quick getaway nina Boss Keng at Mommy Pat sa…

19 hours ago

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

2 days ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

2 days ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

3 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

3 days ago

This website uses cookies.