EXCLUSIVE: Viy Cortez and Cong TV’s Baby Kidlat Poses for His First Photoshoot

Sumabak sa kanyang first-ever photoshoot ang panganay nina Viy Cortez at Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat. 

Sa kaniyang latest vlog, ibinahagi ng 26-anyos first-time mom ang ilang kaganapan sa likod ng photoshoot ni Baby Kidlat na nag-uumapaw sa ka-kyutan!

Kumapit kayo mga kapitbahay dahil hatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang iba pang nakakagigil na chika sa naganap na first photoshoot ni Baby Kidlat. 

Newborn photoshoot theme

Ayon sa aming nasagap na chika, sina Cong at Viy mismo ang nag-isip ng tema para sa kauna-unahang photoshoot ni Baby Zeus. 

Pero ang unang tema na tinaguriang “Baby Boss” ay surpresa ni Viviys para kay Cong.

Dito makikita si Baby Kidlat na suot ang uniform ng Wheelz on the South – ang vehicle dealership business ni Cong TV.  

Ngayon pa lang ay tiyak ng magiging tagapagmana si Kidlat ng naturang negosyo ni Cong kaya habang sanggol pa lang ay tila pinag-practice na nito ang kaniyang unico hijo. 

Siyempre hindi magpapahuli si Mommy Viy, kaya abangan natin ang susunod na Viyline-themed photoshoot ni Baby Kidlat. 

Ang ikalawang tema naman ng photoshoot ay may kinalaman sa music, dahil na rin sa pagkahumaling ng ama nito sa musika. 

Samantala, ang  ikatlong layout naman ng photoshoot na may temang “Zeus – The God of Thunder.” Cute na cute si Baby Kidlat sa kaniyang yellow-gold costume na hawig sa naunang costume ni Daddy Cong noong maternity shoot nila ni Viviys. 

Siyempre, hindi rin mawawala sa photoshoot ang Limited Edition Baby Kidlat Lip Potion ng VIYLine Cosmetics na ginawa bilang remembrance sa kapanganakan ni Baby Zeus. 

Kidlat Cutie

Siyempre hindi kumpleto ang espesyal at memorable photoshoot na ito kung wala ang mga eksperto sa likod ng camera. 

Hatid ng The Baby Village Ph ang mga cute at talaga namang kakaibang props para sa photoshoot ni Baby Kidlat. 

Samantala, sagot naman ng Aljen Works Photography ang pag-capture sa newborn moments ng ating Team Payaman next-gen superstar. 

Si Baby Kidlat ay 21-days-old pa lamang ng ganapin ang nasabing photoshoot, kaya naman doble ingat ang grupo para na rin sa kaligtasan ng ultimate YouTube baby ng taon.

Watch Kidlat’s first photoshoot vlog below:

Kath Regio

View Comments

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.