Hindi magpapahuli sa larangan ng vlogging ang panganay nina YouTube content creators Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Mavi, a.k.a Itlog.
Sinimulan ng pinakabatang Team Payama member ang kanyang YouTube channel na Mavi’s Time when he first uploaded his first vlog noong May 21, 2021.
Who would’ve thought na ang simpleng “Hi Guys!” vlog ng ating kiddie YouTuber ay magiging daan upang makamit ni Mavi ang kanyang first ever Silver Play Button from YouTube?
To celebrate Mavi and his momma’s milestone, who by the way also reached the 3 million subscribers mark, nagkaroon ng photoshoot ang Iligan-Velasquez fam.
“Nakuha na rin kasi ni Mavi ang kanyang silver play button! So ngayon, magkakaroon tayo ng photoshoot kasama yung mga gold at silver at play button [namin]” kwento ni Mommy Vien na ngayon ay 3 months pregnant sa kanilang second baby.
At syempre, the event was made possible with Krystle Bonus as their make up artist, ang kanilang suking photo coverage team na si Bella Morcen, at backdrop design from Mago Events Stylist.
“Talagang feel na feel ko na ang pagiging Velasquez dahil nakalagay Velasquez family,” Vien said matapos ipakita ang very refreshing yellow-themed backdrop for the photoshoot.
Naging katuwaan rin sa set ang pagka-yamot ni Mavi dahil sa kanyang pagiging daddy’s boy during the shoot.
“Gusto ko sa’yo!” request ni Mavi while pointing sa kanyang dada Junnie.
In the same vlog, sabay na binuksan ni Mommy Vien and soon-to-be Kuya Mavi ang Silver Play Button ng bagets.
“Is this a cake?” pabirong tanong ni Mavi sa kanyang mommy while opening the package.
Bagamat hindi pa umaabot ng 3 million ang subscribers ni Vien at the time of the photoshoot, minabuti na rin nitong i-capture ang nasabing milestone to manifest that she will hit it soon.
“Dahil malapit na rin tayo mag 3 million subscriber, i-claim na natin na magta-tatlong milyon [subscriber] na ako kahit wala pa naman,” ani Vien.
“Sana nacoconvert sa cash yung subscriber!” pabirong dagdag nito.
Kaya naman congratulations to our very own Mommy Vien and Mavi from your VMG family!
Watch the full vlog below:
Magtagumpay kaya ang tambalang Dudut-Boss Keng matapos nilang hamunin ang ilang pickleball players sa isang…
Since it’s almost the BER months, there’s no better way to welcome the holiday season…
Dahil nalalapit na ang Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat, isang pangmalakasang content ang…
Looking for a fun way to keep the little ones busy at home without relying…
Isang relatable na mommy moment ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang latest vlog nang…
Calling all solid Team Payaman fans! You’re in for an exclusive treat because you get…
This website uses cookies.