Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez, #Goals sa El Nido Honeymoon

Mahigit isang buwan matapos ang kanilang epic wedding, Team Payaman’s Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez are off to their honeymoon.

Kamakailan lang ay pinasilip ng YouTube content creator couple ang kanilang trip sa isa sa top honeymoon destinations sa bansa, ang El Nido, Palawan.

Masayang ibinahagi ng 27-anyos na kapatid ni Cong TV ang kanilang dinner by the beach ng misis na si Vien. 

Base sa post, ang makapigil-hiningang backdrop ng kanilang hapunan ay kuha sa Lagen Island Resort sa El Nido. 

Pero bukod sa napakaganda nilang island dinner, ikinatuwa rin ng netizens ang pilyong caption ni Junnie Boy sa kanyang Facebook post. 

“Kakakain ko lang sa kwarto pag labas kain nanaman,” pahiwatig na talaga namang nag-eenjoy ang dalawa sa kanilang alone time. 

#BabeTime sa El Nido

Hindi naman nagpakabog si Mommy Vien at nag post rin ng litrato ng kanyang napaka-gwapong date. 

“Wow. Ang sarap!” (ng dinner or ni Daddy Jun? #CharNotChar)

Kinabukasan, ibinida rin ni Vien ang tila pa-yummy shots ni Junnie Boy habang nasa gitna ng dagat. 

Pero imbes na view ang ibida ni Mrs. Velasquez ay tila takam na takam sa kanyang “merienda.”

“Merienda time! Sana kayo din nakapag merienda na!”

Samantala, ang El Nido honeymoon trip nina Mr. and Mrs. Marlon Velasquez Jr. ay pinangunahan ng tour agency na Got Marked Tours. 

Hindi ito ang unang beses na ipinaubaya ng Team Payaman members sa Got Marked Tours ang kanilang bakasyon. Matatandaang ang nasabing ahensya rin ang nag-organize ng kanilang Boracay at Siargao tour. 

Eat Well Wishes

Kaliwa’t-kanan naman ang suporta ng netizens maging ng kapwa Team Payaman members nina Junnie at Vien sa kanilang honeymoon getaway. 

Hindi naman mapigilan ng iba ng kantyawan ang newlyweds na baka maging “Made in El Nido” ang magiging kapatid ng kanilang 3-year-old unico hijo na si Mavi. 

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wish narin talagang sundan nina Junnie Boy at Vien ang ang kanilang panganay. Sinabi rin ni Vien sa isa sa kanyang mga vlog na umaasa siyang pag-uwi galing honeymoon ay magbunga ng baby girl ang kanilang bakasyon. 

For more updated Team Payaman chika, don’t forget to follow VIYLine Media Group’s official Facebook, Twitter, Instagram, and YouTube accounts! 

Kath Regio

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

1 day ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.